I'll fly far, far away...

Pulpit rock

MOOD: Sick of all the studying.

Ask.fm/Instagram: @nicadelavega

ABOUT
PHOTOGRAPHY
CONFESSIONS
FICTION  

Home  ·  Ask

Start na ng exams sa Monday. May trabaho ako kahapon. Meron din bukas. Ngayong araw lang ako nag-proper aral so good luck talaga sakin. Bukas ng gabi ulit hanggang Monday morning. Huhuhu.

Anyway, dapat nag-aaral ako ngayon pero gutom na ako at ang sakit ng ulo ko sobra. Once lang ako kumain ngayon kasi walang taga-luto hihi. Pero si Tatay nagluluto na ngayon sa baba, I can smell it. Yes, galing pa siyang trabaho tapos diretso luto. Hehe.

Haaay, eto na. Exams na. 

Kbye.

During these times, I badly need this.

During these times, I badly need this.

(Source: makemestfu, via akathea)

  • Tatay: Sumama ka sakin sa next Sunday.
  • Ako: Huh? Bakit?
  • Tatay: Gwapo yung pupuntahan ko e.

Mag-a-alas dos na. Gising pa ko dahil sa kape na naman. Ew. Ayoko talaga ng lasa ng kape kapag ako gumagawa. Pero mas effective ata sakin ang kape na walang gatas o cream. Pag may gatas kasi super sama ng kundisyon ng ulo ko pero kahapon at ngayon, ginawa kong walang gatas. Kape’t sugar lang. Ayun, ayos naman ang epekto. Less ang sakit ng ulo ko pero ayoko pa rin sa lasa. Mas okey ang may gatas o puro gatas lang na kape. Ew. 

Di pa rin ako makatulog pero kailangan kasi pupunta akong college bukas. Pero hindi nga ako makatulog haha. Paulit-ulit lang.

Medyo marami-rami na rin akong na-“aral” kaya ayos na rin siguro kung stop muna sa pag-aral at internet muna. K.

Super speed typing na naman to! Pasensya na kung may mga mali-mali.

Eto, puyat-puyat na naman. Balik loob na naman ako sa kape. Ang result? Ambilis ko magsulat ng notes! Sa sobrang bilis di ko na minsan maisulat ng tama ang mga words. Hai, kape talagathe things you do to me.

Sa Thursday na rin project presentation namin, Ayos na ang slides at ang written report pero hindi pa kami nakakapag-practice. Ah well, ika nga ng kaklase ko, “Just wing it.” At dahil iba-iba kami ng topic at may question and answer sa huli, merong idea ang classmate ko na gumawa daw kami ng questions about sa project namin at ibigay namin sa buong class para daw pagdating ng question and answer, meron na kaming ready-made questions at alam na din namin ang isasagot. O di ba? Tulungan kung tulungan haha.                                 

Sabi nga ng Lab Instructor namin, we are a good group daw. At twice lang daw niya nasabi yun sa buong 25 years niya of teaching hihi. Nakaka-proud lang. Kasi hindi naman kami magkaka-age lahat pero magkasundong-magkasundo kami. As in super. Yung mga medyo mature nga sa class namin eh yun pa yung mga immature sa gawi. Haha. Good group daw kami sabi ng Lab Instructor namin kasi nagtutulungan daw kami lagi kahit alam naman niyang merong medyo may mga competitions sa class. Like, super friendly competition lang daw talaga. Sa pagka-super helpful daw namin sa isa’t-isa, kahit daw sa exam na mismo, nagtuturuan pa kami. Hahaha!

Kaya mahal na mahal ko ‘tong class ko e. A-apat lang kaming babae sa klase pero never kaming na-OP sa mga boys namin. At kahit na lagi na lang nila akong niloloko, mahal ko pa rin sila. Kasi alam ko namang lagi ko din silang niloloko haha!

Makakuha nga ng group picture namin minsan.

Hayaan na, minsan lang naman lumabas ang araw dito sa Dublin.

  • getting an 80% on a test in 8th grade: (loud wailing that lasts at least an hour followed by a sinking feeling of despair and uselessness)
  • getting an 80% on a test now: (power slides down the hall while singing the national anthem)

Ako na baliw. </3